Sariling opinyon ko lang ito na maaaring makatulong sa pagrereview. Tutal kasagsagan na naman ng pag-eexam ngayong week at last week sa iba't ibang jamiah dito sa Pilipinas at jan din sa abroad kaya minabuti kong ito muna ang isulat ko dito.
1. Una, syempre ay ang ikhlas. Hindi lang naman ang habol sa pag-eexam ay pumasa, bagkus upang makamit ang karunungan ng walang ibang hangad kundi kabutihan. Karaniwan kasi kapag ang layunin ng isang talib (student) sa kanyang pagrereview ay basta na lang pumasa, ang mangyayari pagkatapos na pagkatapos ng exam ay ung nireview niya ay nakalimutan na rin niya at sumama na dun sa kanyang test paper. At hayun nahihirapan siyang isabuhay ung pinag-aralan niya at hindi rin niya kayang ipamahagi at ituro ng maayos sa iba.
2. Mas mainam din na habang maaga ay nakapagreview ka na. Kahit na paunti-unting pagbabasa, at syempre mas mainam din kung maraming beses. Makakatulong rin na wala kang iniisip na exam sa iyong utak. Kung puros exam na lang ang habol ng estudyante ay baka hindi na siya pwedeng tawaging talibul 'ilm kundi talibul ikhtibar na lang siya...eje...
3. Relax lang sa pagrereview. Huwag kang matakot sa exam at huwag ding kabahan kasi nakakasira ito ng concentration at maaaring maging dahilan na makalimutan mo ang iyong nareview.
4. Huwag magrereview ng inaantok. Sabi ng isa sa ating mga guro sa Al-Maarif ay ang tamang tulog ng isang estudyante ay 7 hours.
5. Unahin ung mga mahahalagang topics. At kung kakayanin ay isaulo or at least intindihin ung binabasa. Pwede rin namang gumawa ka ng talkhis para mas maiksi ang oras na gugugulin. Kung hindi mo kayang gumawa ng talkhis* ay magtanong-tanong ka sa iyong mga classmates, baka sakaling merong gumagawa nito. *Talkhis means summary.
6. Kung tinatamad kang magreview na mag-isa ay pwede namang group study. Ang malungkot lang minsan kapag group study ay minsan or madalas nauuwi na lang sa "bakas*"... eje.. *Bakas means kuwentuhan usually ay walang kuwentang kuwentuhan...
7. Subukin mo rin na makipag-usap sa iba na ang pinag-uusapan ninyo ay ung tungkol sa lecture para mas tumatak sa isip. At syempre tanungin mo rin ang iyong guro kung ano ang mga topics na lalabas sa exam at kung anong klaseng exam ang ibibigay niya. Karaniwan namang binibigay yan ng guro.
Sa ngayon heto muna masasabi ko. Kung may mga tips kayo jan sa madaling paraan ng pagrereview, pakicomment na lang ow. Sana galingan natin sa pagsagot. And don't forget na rin ang paghingi ng tulong sa Allah. Shukran.
tnx 4 d tips ameer ...
ReplyDelete