1. Madalas na paghingi ng kapatawaran sa Allah.
Sabi ng Allah sa Banal na Qur-an:
(فَقُلْتُ اسْتَغْفِرُوا رَبَّكُمْ إِنَّهُ كَانَ غَفَّارًا * يُرْسِلِ السَّمَاءَ عَلَيْكُمْ مِدْرَارًا * وَيُمْدِدْكُمْ بِأَمْوَالٍ وَبَنِينَ وَيَجْعَلْ لَكُمْ جَنَّاتٍ وَيَجْعَلْ لَكُمْ أَنْهَارًا) سورة نوح 10-12
“At sabi ko (Nuh): Humingi kayo ng kapatawaran sa inyong Panginoon, katotohanang Siya ay mapagpatawad. Pauulanin Niya para sa inyo ng madalas. At bibiyayaan Niya kayo ng kayamanan at mga anak, at bibiyayaan Niya kayo ng mga hardin at mga ilog.”
2. Takot sa Panginoong Allah.
(وَمَنْ يَتَّقِ اللَّهَ يَجْعَلْ لَهُ مَخْرَجًا * وَيَرْزُقْهُ مِنْ حَيْثُ لاَ يَحْتَسِبُ) سورة الطلاق: 2-3
“Sinuman ang matakot sa Allah ay bibigyan siya ng solusyon. At bibiyayaan siya ng hindi niya alintana.”
3. Pananalig sa Panginoong Allah.
Sabi ng Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at biyaya ng Allah):
(قَالَ الرَّسُوْلُ صَلىَّ اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ : لَوْ أَنَّكُمْ تَتَوَكَّلُوْنَ عَلىَ اللهِ حَقَّ تَوَكُّلِهِ لَرَزَقَكُمْ كَمَا يَرْزُقُ الطَّيْرَ تَغْدُوْ خِمَاصًا وَتَرُوْحُ بِطَانًا)
“Kung kayo lamang ay nananalig sa Allah ng tunay na pananalig ay bibiyayaan Niya kayo katulad ng pagbibigay Niya ng biyaya sa ibon na maagang umalis (upang maghanap ng makakain) at umuwi ng busog.”
4. Madalas na pagsasagawa ng Hajj at Umrah.
Sabi ng Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at biyaya ng Allah):
(قَالَ الرَّسُوْلُ صَلىَّ اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: تَابِعُوْا بَيْنَ الْحَجِّ وَالْعُمْرَةِ فَإِنَّهُمَا يَنْفِيَانِ الْفَقْــرِ وَالذُّنُوْبَ) حديث صحيح
“Lagi kayong magsagawa ng Hajj at Umrah, sapagkat ito ay nag-aalis ng kahirapan at mga kasalanan.”
5. Pagiging mabuti sa mga kamag-anak.
Sabi ng Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at biyaya ng Allah):
(قَالَ رَسُوْلُ اللهِ صَلىَّ اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ : مَنْ سَرَّهُ أنْ يُبْسَطَ لَهُ فِي رِزْقِهِ وَيُنْسَأ لَهُ فِي أَثَرِهِ فََلْيَصِلْ رَحِمَهُ) حديث صحيح
“Sinuman ang naisin niya na maging maluwag sa kanya ang kanyang mga biyaya at humaba ang kanyang buhay ay pakitunguhan niya ng mabuti ang kanyang mga kamag-anak.”
6. Paggastos para sa daan tungo sa Allah.
Sabi ng Allah sa Banal na Qur-an:
(وَمَا أَنْفَقْتُمْ مِنْ شَيْءٍ فَهُوَ يُخْلِفُهُ وَهُوَ خَيْرُ الرَّازِقِينَ) سورة سبأ:39
“Anumang gastusin ninyo ay Kanyang papalitan, at Siya ang pinakamainam na nagbibigay ng biyaya.”
No comments:
Post a Comment