7 Pointers to Lift a Bad Mood (ni: Akh Ali Sarangani)


Note from the webmaster: Ang article na ito ay isinend sa akin ni Ali at dito niya nakuha.
 
No one can live a long and healthy life without the will to go on; sometimes mood swings can make us feel that life is too much for us.
A bad mood not only gives you a gloomy outlook, it also lowers your immune function, leading the way to illness. Here are some suggestions to lift your mood, your spirit, and your health.

1. A Laughing Matter. "Laugh Therapy," pioneered by Norman Cousins, has turned out to have real substance. Research has discovered that laughter and joy boost immune functions, especially the production of the natural killer cells that help defend the body from illness and cancer. Laughter also increases the release of endorphins - compounds that give you a sense of well-being - in your brain. Without a doubt, joyful people liver longer and healthier lives. So read your favorite comics, watch your favorite comedies, and laugh it up!

{From the webmaster: But don't laugh too much, it kills the faith in your heart. The Prophet Muhammad S.A.W. said: "La tukthirud dahk, fa inna kathratad dahk tumitul qalb." " Do not laugh too much, too much laugh kills the heart (faith)."} 

2. Amino Acid for Restored Mindset. When an imbalance or deficiency is creating a bad mood, the Europeans use supplements of a natural compound found in human cells to regulate mood and restore a healthy mindset. SAMe (S-adenosyl-L-methionine) is produced from methionine, an amino acid that plays a role in the production of uplifting neurotransmitters like serotonin and dopamine.
One study indicated that SAMe worked on patients who had unsuccessful results with conventional antidepressants. To get a boost from SAMe, take a supplement combining it with vitamins B6 and B12.

3. Hands-On Healing. Human touch increases the production of endorphins, growth hormone, and DHEA, all of which lengthen your life span and lower the negative impact of stress. Studies have found that patients who are regularly touched recover faster than those who are not touched. So give someone a hug and feel both of your moods improve.

4. Boost Your "Youth Hormones". You don't need pills to flood your body with a rejuvenating flood of growth hormones. Research has found that doing squats and leg presses will greatly increase your natural production of the "youth hormone". Increased growth hormone translates to an elevated mood, among other physical benefits. Keep it up with weight training, knee bends, push-ups, and rowing.

5. Take a Bracing Breath. Breathing correctly is important for dispelling the toxins and wastes from your body; in fact, it is estimated that we expel only about 30 percent of toxins in our bodies through the bowels and bladder-the rest is all respiratory. Breathing is also a great way to clear your mind, boost your energy, and improve your mood. Practice deep, slow, rhythmic, breathing daily with mind-body disciplines such as tai chi, yoga, qigong, and meditation.

6. Smell the Joy. Research has shown that smell has a definite impact on our bodies and minds. When you stimulate the olfactory nerves inside your nose, you activate the limbic system of your brain, which is associated with moods and memory. This concept is instrumental to aromatherapy, a natural health tradition that makes use of the healing powers of plants with strong scents.
Aromatherapy recommends treating depression with jasmine, eucalyptus for exhilaration, and grapefruit to increase alertness and joy. Just put a dab of the essential oils from these plants on your temples, back of your neck, or acupressure points. Another option? Boil the herb in water and inhale the steam through your nose.

7. Feel Fine with Flowers. There is a reason that flowers are the traditional get-well gesture. Colorful flowers have a powerful influence on moods; they can uplift a patient's mood and even combat stress. One study found that during a five-minute typing assignment, people sitting next to a flowering bouquet were more relaxed than those who sat near foliage-only plants.

Bakit Walang Simbahan sa Saudi Arabia kung Tolerant ang Islam? (ni: Akh Haron Guro)


1. Para sa inyo pong kaalaman, walang Christian citizen sa Saudi Arabia. Sino ang magpapatayo ng simbahan?
2. Ito ay isang patakaran ng Saudi Arabia na hindi maaaring iugnay sa Islam. May mga bansang muslim na mayroong simbahan katulad ng Oman, Yemen, Egypt, Indonesia, Syria atbp.
3.Ang Saudi Arabia ay may banal na kasaysayang bukod-tangi sa iba. Ito ay nilinis ng Huling Sugo -si propeta Muhammad PBUH- mula sa mga pagtatambal sa Allah na siyang pinakamalaking kasalanan sa Islam, magkagayon hindi ito hahayaang manumbalik muli sa alinmang sulok ng Saudi Arabia.

Wallahu a'lam. Pwede nyong dagdagan sa sarili ninyong opinion.

Bakit bawal ang Bible sa Saudi Arabia? (ni: Akh Haron Guro)

Bakit kaya bawal ipasok sa Amerika ang pirated CD? Bakit kaya bawal magpasok ng sigarilyo sa Malaysia? Katotohanan, ang bawat isa sa atin ay may sariling tahanan at sa loob ng ating mga tahanan mayroon tayong pinangangalagaang prinsipyo at moralidad. Bilang tao, likas sa atin ang maging hospitable at tolerant. Likas din naman sa atin ang mamunghi sa mga bagay na ayaw natin lalong-lalo na kapag ito ay alam nating mali. Kapag may dumating sa iyong tahanan at biglang pinag-iiba ang set up ng iyong mga kagamitan, ang kwarto ay ginawang banyo, ang banyo ay ginawang kusina, at ang kusina ay ginawang sala, hahayaan mo kaya? Hindi! Kapag may dumating sa iyong bisita na may dalang alak o di kaya ay shabu, patutuluyin mo kaya? Hindi! Ang Islam ay tolerant subalit nagtuturo ng RESPETO sa kapwa at paniniwala. Tayo bilang mga manggagawa at bisita na rin ng mga Arabo sa kanilang tahanan, irespeto natin ang kanilang tahanan at mga batas lalong-lalo na sa pananampalataya.

Ang Islam ay tolerant, pero bakit kailangang patayin ang murtad? (ni: Akh Haron Guro)

Murtad: sa wikang Ingles ay apostate o taong tumalikod sa Islam pagkatapos niya itong yakapin.

Ang bawat isa sa atin ay may hilig na laro, basketball, volleyball, surfing, swimming, soccer, marathon, atbp. Ano ba ang nag-uudyok sa atin upang sumali sa larong hilig natin? "Self-interest." Kahit na ito ay maaaring katuwaan lamang, pagpapakitang gilas, libangan upang maaliw at mang-aliw o di kaya ay upang magkamedal, magkatrophy, magkapera, atbp. Kapag sumali ka sa isang laro, tanggap mo ang mga consequences na maaaring mangyari; manalo, matalo, mabalian, masugatan, maaksidente at mamatay! Batid mo rin dapat ang mga alituntunin at patakaran ng laro. Walang sinumang maglalakas-loob na sumali sa isang laro na mangmang sa mga patakaran nito. Magkagayon, kusang-loob kang susunod sa mga alituntunin at patakaran ng laro ng walang pag-iimbot at pag-aalinlangan. kapag ikaw ay lumabag sa mga alituntunin at patakaran, maaari kang mabigyan ng warning, disqualification o habambuhay na termination.

Ang Islam ay maaaring ihambing sa bagay na ito subalit hindi ito isang laro. Sa pagyakap nito walang sinuman ang maaaring pumilit sa iyo dahil binigyan ka ng Allah ng kalayaan sa pagpili ng landas na iyong tatahakin. Ang pagyakap sa Islam ay  kusang-loob pagkatapos malaman ang katotohanan, hindi bilang katuwaan, pagpapakitang gilas, libangan, mang-aliw, magkamedal, magkatrophy o magkapera. Sa pagyakap sa Islam, buong-loob mong tinatanggap ang katotohanan at ang mga batas ng Allah. Magkagayon, kusa kang susuko at susunod sa mga batas at alituntunin ng Allah ng walang pag-iimbot o pag-aalinlangan. Ang pagtanggap sa Islam ay hindi lamang sa pananampalataya at pagsamba, bagkus ito rin ay isang panghabambuhay na COMMITMENT sa komunidad ng mga Muslim. Ang pagtalikod sa commitment na ito ay isang pagtataksil na nangangailangan ng death penalty. Ito ay isa sa mga wisdom ng Allah upang mapangalagaan ang Islam at ang komunidad ng mga Muslim laban sa panganib na maaaring maidulot ng mga mapagkunwari, mapaglaro at mapagsamantala sa Allah. Kaya sa batas ng Allah ikaw ay bibigyan ng warning o pagkakataon upang magbalik-loob sa kanya. Kung hindi, walang pumulit sa iyong tanggapin ang batas ng Allah at wala ring dahilan upang hindi ipataw sa iyo ang batas na ito. ang bagay na ito ay hindi nakakagulat dahil may basehan. Ang nakakagulat ay ang ginagawang pagpatay ng mga Kristiyano at Hindus sa Egypt at India sa taong pumapasok sa Islam sapagkat ito ay walang basehan.

Common Mistakes in Arabic Being Committed by Non-Native Speakers (Part 2)


Ito ay pangalawang bahagi (part two) ng mga karaniwang pagkakamali sa pagsasalita ng Arabic. Kaya imbes na sa number 1 ako magsisimula ay sa number 8. Dahil ung number 1-7 ay makikita nyo sa part one ng article na ito. Sana ay may matutunan tayo dito. 
8. بطّانيّة/Blanket: Wrong: Bataniiyah / Correct: Battaaniiyah. Kahit ako mismo nung una hindi ko alam ang tamang pagbanggit ng blanket o kumot sa wikang Arabic. Naririnig ko lang din.. eje...
9. قصص/Stories: Wrong: Qisas / Correct: Qasas. Karaniwan ko itong naririning kapag binabanggit ung "Qasasul Anbiya" or Stories of the Prophets. Imbes na "a" after ng "q" ay "i" ang ipinapalit.
10. خطابة/Declamation: Wrong: Khitaabah / Correct: Khataabah. Isa sa mga Ustadh namin ko nalaman na khataabah talaga ang tamang pagbasa nito. Sa tingin ko ay maraming kokontra dito o di kaya ay magugulat.. eje..
11. طاقيّة/Hood: Wrong: Taqiiyah / Correct: 'Taaqiiyah. Actually, hindi lang sa pagbasa nagkakamali ang iba dito kundi pati sa translation. Ang akala ng iba na ang meaning ng 'taaqiiyah ay "tutob" o yung sinusuot ng mga lalakeng Muslim sa ulo. Huwallahu a'lam.
12. ما اسمك/What is your name?: Wrong: Maa ismuka? / Correct: Masmuka? Karaniwan na rin rin kahit sa mga madrasah. Lalo na ung hindi nila natutunan ang pagkakaiba ng hamzatul wasl at hamzatul qat'.
13. أبو بكر/Abu Bakr: Wrong: Abu Bakar / Correct: Abu Bakr. Ewan ko kung Maranao lang nagkakamali dito pero anu't anu pa man ay mali pa rin kung Abu Bakar ang pagbasa. Dapat talaga ay Abu Bakr. Mahalaga rin ito kahit papaano dahil pangalan ito ng pinakadakilang tao pagkatapos ng mga Propeta. 
14. خاتم/Seal: Wrong: Khaatam / Correct: Khaatim. Ang Arabic ng Seal of the Prophets ay "Khaatimun Nabiyyiin" at hindi "Khaatamun Nabiyyiin".
15. فقه/Jurisprudence: Wrong: Fiqhi / Correct: Fiqh. Hindi ko rin maintindihan paano naging fiqhi ang pagbasa dito, pero hindi naman ito ganun kalaking pagkakamali kasi kahit papaano ay hindi napapalitan ung kahulugan. Kahit nung maliit pa ako ay ganito naririnig ko pati sa aking mga Ustadh.
16. مكيف/Aircon: Wrong: Mukayyaf / Correct: Mukayyif. 
17. آل عمران/Aali Imraan: Wrong: Al-Imraan / Correct: Aali Imraan. Isa ito sa mga pangalan ng Surah sa Banal na Qur-an. Kung minsan pati mga Hafidh ay nagkakamali sa pagbasa sa pangalan ng surah na ito. At magkaiba pa naman ang kahulugan ng dalawang ito. Ang kahulugan ng Al-Imraan ay "Ang Imran" samantalang ang Aali Imraan ay "Pamilya ni Imran" kung saan ito ang tama.
Kung may comments kayo ay paki-comment na lang po owm. Shukran jazilan.

Celebrating Mawlidun Nabi is Haram

Mawlidun Nabi - kapanganakan ng Propeta Muhammad S.A.W.

Ngayong araw sa kalendaryo ng Hijrah Calendar ay Rabi'ul Awwal 7 kung saan ilang araw mula ngayon ay ang kapanganakan ng Propeta Muhammad sallallahu alayhi wasallam. Ipananganak siya ng Rabi'ul Awwal 12 at hindi pinapahintulutan ng Islam ang pagdiriwang nito. Ito ay itinuturing na bid'ah, at ang lahat ng bid'ah ay haram. Gayundin ay haram ang pagdiriwang ng Isra' wal Mi'raj at Nisfu Sha'ban.

Kailangan talagang malaman ng isang Muslim na anumang bagay na idinagdag sa Islam ay hindi maaari lalo't ito'y walang batayan mula sa Qur-an at Hadith, at ito nga ay tatawaging bid'ah. Lahat ng bid'ah ay pagkaligaw at lahat ng pagkaligaw ay sa impiyerno. Hindi naman lingid sa atin na ang mga nabanggit na mga pagdiriwang sa itaas na isinasagawa ng ilang Muslim ay kailanma'y hindi isinagawa ng Rasulullah S.A.W. at ng kanyang mga Sahabah radiallahu anhum. Hindi naman natin ikinakaila ang kahalagahan ng mga araw na ito subalit hindi pa rin dapat itong ipagdiwang. Dahil kung ang pagdiriwang nito ay kalulugdan ng Panginoong Allah eh di sana'y nauna na ang Propeta at mga Sahabah nito na nagsagawa nito.

Sino naman tayo para sabihin ito'y maganda? Kung ito'y magandang gawain sana'y giawa na ng Propeta at ng kanyang mga Sahabah. Mayron bang kautusan na hindi nasabi ng Propeta Muhammad s.a.w.? At pagkatapos ay bago pa lamang matutuklasan? Ito ay imposible. Bago pa man pumanaw ang Propeta Muhammad s.a.w. ay natapos na ang kanyang misyon at nakumpleto na ang relihiyong Islam. Ang Dakilang Allah ay nagsabi sa Banal na Qur-an:

الْيَوْمَ أَكْمَلْتُ لَكُمْ دِينَكُمْ وَأَتْمَمْتُ عَلَيْكُمْ نِعْمَتِي وَرَضِيتُ لَكُمُ الْإِسْلَامَ دِينًا
(Surah Al-Maidah:3)
"Sa araw na ito'y kinumpleto ko para sa inyo ang inyong relihiyon, at ginanap ko ang aking mga pagpapala, at aking pinili at kinalugdan ang Islam bilang inyong relihiyon."

Ang bersong ito'y ibinaba sa panahon na malapit ng pumanaw ang Propeta Muhammad s.a.w. at ito'y agpapatunay na ganap na ang relihiyon ng Allah at hindi na maaaring dagdagan. Sinuman ang gumawa ng bid'ah ay sadyang sumusuway sa ipinahayag na ito ng Dakilang Allah. Nawa'y bigyang liwanag ng Panginoong Allah ang ating mga puso tungo sa tamang landas. Amin.

Celebrating Valentine's Day is Unlawful (Haram) in Islam

Assalamu alaykum ulit sa lahat....
Malinaw na sa pamagat sa itaas ang nais na ihatid ng ating article. Kasi nga naman ay papalapit na naman ang isa sa mga selebrasyong nakagawian na ng mga hindi Muslim. Nais nating iparating sa ating mga kapatid na Muslim na nakikisabay sa selebrasyong ito na iwanan na po nila ang gawaing ito, dahil kasalanan po ito sa ating Panginoong Allah.
At syempre sasamantalahin na rin natin ang pagkakataong ito na hindi lang ito ang haram na celebration sa Islam. Narito ang ilan pa:
1. Birthday Celebration.
2. All Saints' Day, Araw ng mga Patay, or pagcecelebrate nito like 3 days, 7 days, 40 days, 100 days, 1 year at iba pang kahawig nito.
3. Christmas Day or Winter Celebration.
4. New Year at kasama na rin dito na haram ang pagcecelebrate ng Aamun Jadid  o Hijrah Calendar New Year.
5. Isama ko na rin na haram din po sa atin ang JS Prom, Seniors' Night at mga katulad nito.
Kung nais ninyo ng karagdagang kaalaman sa pagiging haram ng valentine's day celebration ay click nyo lang po ito http://www.missionislam.com/knowledge/valentinesday.htm

Sana po maitigil na ng ilan sa ating mga kapwa Muslim ang pagcecelebrate ng mga bagay na hindi kasama sa Islam. Gantimpala po ang matatanggap natin mula sa Allah sa sinumang mag-iwan ng mga masasamang gawain lalo na yung bid-'ah or innovations in Islam. I LOVE PARADISE. YA ALLAH BLESS US YOUR PARADISE. AMIN.

I HAVE A DREAM

Sabi nga nila libre lang ang mangarap kaya lubus-lubusin mo na. Ako naniniwala ako jan ng walang pagdududa. Alhamdulillah at heto kasama sa mga pangarap ko ang magka-blog ng may pakinabang... sana.  Kasama sa mga simple kong pangarap, masyadong mababaw ata...eje. Pero may mga pangarap din akong malalaki... nakakalula...as in. May pansariling pangarap, may pampamilya, pampamayanang pangarap, at siyempre pangsambayanan at pandaigdigan.

Lahat tayo ay may pangarap. Natural lahat yun ay maganda. Lalo na sa isang Muslim na mithiing makapasok sa Paraiso at ma-meet ang Dakilang Allah, ang lumikha ng sansinukob.. amin. Pangarap na magkaroon ng world peace. Pero gusto kong sabihin dito yung aking particular na pangarap, at alam ko hindi ko kaya ng mag-isa ang mga pangarap ko. Kaya sana maimpluwensiyahan kita dito at magkatulungan tayo at humanap ka na rin ng tutulong sa atin. Ung iba naman na mahihirapan ako ay papagawa ko sa iba. Kaya ikaw na nagbabasa maaaring ikaw ang may kaya nun. Sana maimpluwensiyahan kita. At sana matupad itong mga pangarap ko at alam kong pangarap mo rin. Allahumma taqabbal minna du'aana.

1. Gusto kong magkaroon ng International  Islamic University sa Pilipinas. Kaya heto puspusan ako sa pag-aaral at pagtuturo. Kaya heto balak kong magmasteral inshaAllah and then magdoctorate, me and my wife. Sana kayo rin. Kung hindi naman international ay atleast makapagpatayo ako ng islamic college. Kung saan ang magiging mga estudyante na makakatapos ay hindi lang Arabic at Islam ang alam, kundi pati English at Computer.
2. Pangarap kong magkaroon ng matibay na Islamic Bank sa Pilipinas. Ang alam ko meron pero naghihikahos ata. Wala rin itong atm. Alam kong hindi ko ito linya. Pero may mga kakilala din akong nangangarap ng ganito. Sana tulungan sila ng Allah. At syempre ang dahilan nito ay para makaiwas sa isa sa mga pinakamalaking kasalanan sa Allah at yun ay ang riba o usury. Obligasyon ito ng lahat lalo na ng mga Muslim accountants.
3. Sana magkaroon din ng nationwidest Islamic food chain at food factory sa Pilipinas. Hindi ko alam kung meron ng ganito. Regarding DXN at iba pa Alhamdulillah maganda ung ginagawa nila. Providing halal foods to the Muslim people but the problem is the price. Mahal ung presyo, syempre imported and ung mga taxes at iba na binabayaran nila. Kaya ipinapatong un sa presyo. Sana gawa dito sa Pilipinas para mas mura. Amin. At ung food chain na tatapat sa McDo, KFC para hindi na tayo naiintriga dito sa Pilipinas kung haram ba yan o halal.
4. Sana magkaroon ng malawak at malakas na Islamic channel sa buong Pilipinas at ung mga palabas niya ay purely Islamic. Like sa ibang Islamic countries particularly in Saudi Arabia. Tapos kasing lakas ng ABS-CBN. Kasi nga masyado ng naiiba ang isip ng mga Muslim lalo na ng mga kabataan dahil sa mga nakikita nilang hindi magaganda sa t.v. Sa mga Muslim electronic communication engineers atbp.  po itong panawagan ko.
5. Sana magkaroon din ng matibay na Islamic pawnshop dito sa Pilipinas.
6. Sana mablock na ung mga website na may mga explicit content dito sa Pilipinas. Kakayanin ko kaya ito. Syempre hindi, kailangan may mga kasama na iisa ang layunin. Like sa Saudi, kontrolado nila ang internet dun.
7. Sana rin maipatupad na ang Shariah, kahit dito lang sa ARMM. Mahalaga ito sa bawat Muslim. Huwag po kayong matakot sa pagpapatupad ng Shariah Islamiyah. May mga Muslim kasi na natatakot dito kasi putol-kamay daw at pugot-ulo. Bakit ka naman matatakot kung wala kang ginagawang masama? Ang matakot ay ung may ginagawang masapara matigilan na niya. At isa pa hindi lang naman dito umiikot ang Shariah. Wala pa ito sa 10 percent ng kabuuan ng Shariah Islamiyah.
8. At pangwalo, sana matupad lahat itong mga pangarap ko. Kaya naman mga kabataang Muslim, gising! gising! gising! Ya Allah tulungan mo po kami. Gawin mo po kaming mapaglingkod at maging matagumpay dito sa mundo at sa kabilang buhay. Amin.
Marami pa akong pangarap maliban dito. Kaya naman nananawagan ako sa mga mayayamang Muslim dito at sa labas ng bansa na mag-invest dito sa Mindanao. Lahat para sa kabutihan. Ikaw anong pangarap mo? Share mo naman.

10 Malaking Pagkakaiba ng Toril sa Kulungan

Toril - lugar kung saan nag-aaral ang mga batang Muslim ng stay-in mismo sa kanilang paaralan. Karaniwang pinag-aaralan dito ay ang Qur-an at ang Islam. May mga limitations like sa paggamit ng cellphone, bawal lumabas maliban lang kung may importanteng dahilan.Ang kulungan naman ay malinaw na sa ating lahat.

Kaya naman nais kong isulat ang topic na ito ay dahil sa narinig kong paghahambing ng isang estudyante na ang toril daw ay kulungan. Hindi naman maikakailang may pagkakahawig subalit hindi rin naman maaaring sabihin na sila ay magkatulad o iisa, bagkus malayo sila sa isa't-isa. Katulad niyan, ang tae ay mabaho at kung minsan ay nagiging mabaho ka rin so hindi ibig-sabihin na ikaw ay tae din, di ba? Sigurado akong hinding-hindi ka papayag na masabihan ka ng ganyan.

Ganun din ang katayuan ko at ng ibang katulad ko sa toril at ng kulungan. Narito ang kanilang mga pagkakaiba, at sana mabasa ito nung nagsabi nun para matigil na siya sa ideya niyang iyon. I really hate his idea of saying that toril is a jail..huh!

1. Una, sa toril ay maagang pinapalabas duon at hindi nakakatapos ng kanilang kontrata ang mga mukhalif or suwail, samantalang sa kulungan ay maagang pinapalabas ung mga nagiging mabait at masunurin.
2. Samakatuwid malinaw na nakasaad sa number one ang sasabihin ko dito sa pangalawa. Na ang napupunta sa toril ay yaong mga mababait at sa kulungan ay yaong mga masasama. Subalit minsan din naman ay may naihahalong hindi mabait sa toril, at ganun din naman minsan ay may naipapasok sa kulungan na hindi masama, o walang kasalanan talaga, napagbintangan lang ika nga.
3. Third, of course ang mga gawain sa loob ng toril ay karaniwang kabutihan lamang, at sa kulungan ay mahirap nang ipaliwanag.
4. Sa toril ay maaari kang lumabas kung may kailangan ka o di kaya'y may bisita ka, at babalik ka rin naman. Sa kulungan ay hindi talaga pupwedeng lumabas.
5. Sa toril ay karaniwan kang kuntento at panatag, gayung sa kulungan ay karaniwan kang nalulungkot at nangangamba.
6. Sabihin mo sa taong nasa toril na "Gustong mong lumabas dito?" ang isasagot niya sa'yo ay "Ayoko, pero pag nakatapos ako, insha Allah.". Samantalang ang taong nasa kulungan naman kapag sabihin mo sa kanya na "Gustong mong lumabas dito?" Sasabihin niya sa'yo na "Ang tagal naman!". Magmamakaawa pa ang nasa toril na gagawin niya ang lahat huwag lang siyang makalabas dun.
7. Pangpito, sa toril ay marami ang nagkakandarapang gustong makapag-aral dito, samantalang sa kulungan eh walang gustong pumasok, baliw lang siguro.. eje..
8. Ang taong nanggaling sa toril ay nais pang bumalik dito. Pero ang taong nanggaling sa kulungan ay ayaw na ayaw ng bumalik sa kulungan.
9. Heaven ika nga ang buhay sa toril, sa kulungan naman ay hell.
10. Pagsisisi ang madarama ng nakalabas ng maaga sa toril at hindi nakatapos ng kontrata, eh sa maaganag nakalabas ng kulungan ay siguradong ang saya-saya niya..yehey!!! 

Heto lang ang pumasok sa kukote ko. ALHAMDULILLAH. Kung may idadagdag ka or comment pakisulat lang jan sa baba. Shukran. Nas-alullahat tawfiq.

Common Mistakes in Arabic Being Committed by Non-Native Speakers

Long time no blogging. Medyo  naging busy kasi these few days sa mga exams at pagbibigay ng exams sa mga students. ALHAMDULILLAH kasi may "napagpapaguran" me, kasi nga marami ang alam nating naghahanap ng "mapagpapaguran" kahit nakatapos na ng pag-aaral, I mean ay naghahanap ng trabaho. Kaya nga ALHAMDULILLAHIL LADHI BINI'MATIHI TATIMMUS SALIHAAT.
Ok. Ngayon punta na tayo sa ating topic na karaniwang kamalian sa pagsasalita ng Arabic. Karaniwan ito sa mga hindi natural na Arabo, like me. Actually kahit mga murit or minsan ustadh ay naririnig ko na nagkakamali sa pagbanggit or pagbasa nito. Kaya naman nangyayari yun ay akala nila yun talaga ung tamang pagbigkas nun. Pero kung sakaling may mahanap kayo dito na maling ideya ay pakisabi lang po. Heto ang ilan sa mga halimbawa:
1.سماع/Hearing: Wrong: Simaa' / Correct: Samaa'. Dapat ay "a" ang vowel after "s" not "i".
2. ذهاب/Going: Wrong: Dhihaab / Correct: Dhahaab. Parehas lang ito ng sitwasyon sa number one at madalas din itong naririning.
3. تاريخ/History: Wrong: Taarikh / Correct: Taariikh. Elongated dapat dun sa "r".
4. جنوب/South: Wrong: Junuub / Correct: Januub. Ang ibig sabihin ng januub ay timog or south, ang junub naman ay ung tao na under state of impurity.
5. شمال/North: Wrong: Shimaal / Correct: Shamaal. Shimaal means kaliwa or left na malayung-malayo sa kahulugan ng shamaal which is hilaga or north.
6. قدر/Destiny: Wrong: Qadr / Correct: Qadar. Heto rin ay isa pang malaking halimbawa. Sa tingin ko ay ito ang pinaka-karaniwan na nagkakamali ang nagbibigkas ng Arabic word ng destiny which is qadar not qadr. Qadr means power. Kung minsan maririning mo ung nagsasalita na ang sinasabi niya ay Al-Imanu bil Qadr, so ang nasabi niya ay Belief in the Power imbes na Al-Imanu bil Qadar na Belief in the divine Fate.
7. كرة السلة/Basketball: Wrong: Kurratus Silah / Correct: Kuratus Sallah.
Heto na muna sa ngayon pero kung mayron kayong alam na dapat itama paki-comment lang. Allah will reward you for this. Try ko rin itong dagdagan kapag may naisip me.


Kung may nais kayong ipost dito sa ating blog ay pakisend lang sa aking ym, fb, fs, o email. chair_table2000@yahoo.com . Wuqitum su-al jazai.