Murtad: sa wikang Ingles ay apostate o taong tumalikod sa Islam pagkatapos niya itong yakapin.
Ang bawat isa sa atin ay may hilig na laro, basketball, volleyball, surfing, swimming, soccer, marathon, atbp. Ano ba ang nag-uudyok sa atin upang sumali sa larong hilig natin? "Self-interest." Kahit na ito ay maaaring katuwaan lamang, pagpapakitang gilas, libangan upang maaliw at mang-aliw o di kaya ay upang magkamedal, magkatrophy, magkapera, atbp. Kapag sumali ka sa isang laro, tanggap mo ang mga consequences na maaaring mangyari; manalo, matalo, mabalian, masugatan, maaksidente at mamatay! Batid mo rin dapat ang mga alituntunin at patakaran ng laro. Walang sinumang maglalakas-loob na sumali sa isang laro na mangmang sa mga patakaran nito. Magkagayon, kusang-loob kang susunod sa mga alituntunin at patakaran ng laro ng walang pag-iimbot at pag-aalinlangan. kapag ikaw ay lumabag sa mga alituntunin at patakaran, maaari kang mabigyan ng warning, disqualification o habambuhay na termination.
Ang Islam ay maaaring ihambing sa bagay na ito subalit hindi ito isang laro. Sa pagyakap nito walang sinuman ang maaaring pumilit sa iyo dahil binigyan ka ng Allah ng kalayaan sa pagpili ng landas na iyong tatahakin. Ang pagyakap sa Islam ay kusang-loob pagkatapos malaman ang katotohanan, hindi bilang katuwaan, pagpapakitang gilas, libangan, mang-aliw, magkamedal, magkatrophy o magkapera. Sa pagyakap sa Islam, buong-loob mong tinatanggap ang katotohanan at ang mga batas ng Allah. Magkagayon, kusa kang susuko at susunod sa mga batas at alituntunin ng Allah ng walang pag-iimbot o pag-aalinlangan. Ang pagtanggap sa Islam ay hindi lamang sa pananampalataya at pagsamba, bagkus ito rin ay isang panghabambuhay na COMMITMENT sa komunidad ng mga Muslim. Ang pagtalikod sa commitment na ito ay isang pagtataksil na nangangailangan ng death penalty. Ito ay isa sa mga wisdom ng Allah upang mapangalagaan ang Islam at ang komunidad ng mga Muslim laban sa panganib na maaaring maidulot ng mga mapagkunwari, mapaglaro at mapagsamantala sa Allah. Kaya sa batas ng Allah ikaw ay bibigyan ng warning o pagkakataon upang magbalik-loob sa kanya. Kung hindi, walang pumulit sa iyong tanggapin ang batas ng Allah at wala ring dahilan upang hindi ipataw sa iyo ang batas na ito. ang bagay na ito ay hindi nakakagulat dahil may basehan. Ang nakakagulat ay ang ginagawang pagpatay ng mga Kristiyano at Hindus sa Egypt at India sa taong pumapasok sa Islam sapagkat ito ay walang basehan.
No comments:
Post a Comment