Bakit bawal ang Bible sa Saudi Arabia? (ni: Akh Haron Guro)
Bakit kaya bawal ipasok sa Amerika ang pirated CD? Bakit kaya bawal magpasok ng sigarilyo sa Malaysia? Katotohanan, ang bawat isa sa atin ay may sariling tahanan at sa loob ng ating mga tahanan mayroon tayong pinangangalagaang prinsipyo at moralidad. Bilang tao, likas sa atin ang maging hospitable at tolerant. Likas din naman sa atin ang mamunghi sa mga bagay na ayaw natin lalong-lalo na kapag ito ay alam nating mali. Kapag may dumating sa iyong tahanan at biglang pinag-iiba ang set up ng iyong mga kagamitan, ang kwarto ay ginawang banyo, ang banyo ay ginawang kusina, at ang kusina ay ginawang sala, hahayaan mo kaya? Hindi! Kapag may dumating sa iyong bisita na may dalang alak o di kaya ay shabu, patutuluyin mo kaya? Hindi! Ang Islam ay tolerant subalit nagtuturo ng RESPETO sa kapwa at paniniwala. Tayo bilang mga manggagawa at bisita na rin ng mga Arabo sa kanilang tahanan, irespeto natin ang kanilang tahanan at mga batas lalong-lalo na sa pananampalataya.
No comments:
Post a Comment