Sabi nga nila libre lang ang mangarap kaya lubus-lubusin mo na. Ako naniniwala ako jan ng walang pagdududa. Alhamdulillah at heto kasama sa mga pangarap ko ang magka-blog ng may pakinabang... sana. Kasama sa mga simple kong pangarap, masyadong mababaw ata...eje. Pero may mga pangarap din akong malalaki... nakakalula...as in. May pansariling pangarap, may pampamilya, pampamayanang pangarap, at siyempre pangsambayanan at pandaigdigan.
Lahat tayo ay may pangarap. Natural lahat yun ay maganda. Lalo na sa isang Muslim na mithiing makapasok sa Paraiso at ma-meet ang Dakilang Allah, ang lumikha ng sansinukob.. amin. Pangarap na magkaroon ng world peace. Pero gusto kong sabihin dito yung aking particular na pangarap, at alam ko hindi ko kaya ng mag-isa ang mga pangarap ko. Kaya sana maimpluwensiyahan kita dito at magkatulungan tayo at humanap ka na rin ng tutulong sa atin. Ung iba naman na mahihirapan ako ay papagawa ko sa iba. Kaya ikaw na nagbabasa maaaring ikaw ang may kaya nun. Sana maimpluwensiyahan kita. At sana matupad itong mga pangarap ko at alam kong pangarap mo rin. Allahumma taqabbal minna du'aana.
1. Gusto kong magkaroon ng International Islamic University sa Pilipinas. Kaya heto puspusan ako sa pag-aaral at pagtuturo. Kaya heto balak kong magmasteral inshaAllah and then magdoctorate, me and my wife. Sana kayo rin. Kung hindi naman international ay atleast makapagpatayo ako ng islamic college. Kung saan ang magiging mga estudyante na makakatapos ay hindi lang Arabic at Islam ang alam, kundi pati English at Computer.
2. Pangarap kong magkaroon ng matibay na Islamic Bank sa Pilipinas. Ang alam ko meron pero naghihikahos ata. Wala rin itong atm. Alam kong hindi ko ito linya. Pero may mga kakilala din akong nangangarap ng ganito. Sana tulungan sila ng Allah. At syempre ang dahilan nito ay para makaiwas sa isa sa mga pinakamalaking kasalanan sa Allah at yun ay ang riba o usury. Obligasyon ito ng lahat lalo na ng mga Muslim accountants.
3. Sana magkaroon din ng nationwidest Islamic food chain at food factory sa Pilipinas. Hindi ko alam kung meron ng ganito. Regarding DXN at iba pa Alhamdulillah maganda ung ginagawa nila. Providing halal foods to the Muslim people but the problem is the price. Mahal ung presyo, syempre imported and ung mga taxes at iba na binabayaran nila. Kaya ipinapatong un sa presyo. Sana gawa dito sa Pilipinas para mas mura. Amin. At ung food chain na tatapat sa McDo, KFC para hindi na tayo naiintriga dito sa Pilipinas kung haram ba yan o halal.
4. Sana magkaroon ng malawak at malakas na Islamic channel sa buong Pilipinas at ung mga palabas niya ay purely Islamic. Like sa ibang Islamic countries particularly in Saudi Arabia. Tapos kasing lakas ng ABS-CBN. Kasi nga masyado ng naiiba ang isip ng mga Muslim lalo na ng mga kabataan dahil sa mga nakikita nilang hindi magaganda sa t.v. Sa mga Muslim electronic communication engineers atbp. po itong panawagan ko.
5. Sana magkaroon din ng matibay na Islamic pawnshop dito sa Pilipinas.
6. Sana mablock na ung mga website na may mga explicit content dito sa Pilipinas. Kakayanin ko kaya ito. Syempre hindi, kailangan may mga kasama na iisa ang layunin. Like sa Saudi, kontrolado nila ang internet dun.
7. Sana rin maipatupad na ang Shariah, kahit dito lang sa ARMM. Mahalaga ito sa bawat Muslim. Huwag po kayong matakot sa pagpapatupad ng Shariah Islamiyah. May mga Muslim kasi na natatakot dito kasi putol-kamay daw at pugot-ulo. Bakit ka naman matatakot kung wala kang ginagawang masama? Ang matakot ay ung may ginagawang masapara matigilan na niya. At isa pa hindi lang naman dito umiikot ang Shariah. Wala pa ito sa 10 percent ng kabuuan ng Shariah Islamiyah.
8. At pangwalo, sana matupad lahat itong mga pangarap ko. Kaya naman mga kabataang Muslim, gising! gising! gising! Ya Allah tulungan mo po kami. Gawin mo po kaming mapaglingkod at maging matagumpay dito sa mundo at sa kabilang buhay. Amin.
Marami pa akong pangarap maliban dito. Kaya naman nananawagan ako sa mga mayayamang Muslim dito at sa labas ng bansa na mag-invest dito sa Mindanao. Lahat para sa kabutihan. Ikaw anong pangarap mo? Share mo naman.
No comments:
Post a Comment