Ito ay pangalawang bahagi (part two) ng mga karaniwang pagkakamali sa pagsasalita ng Arabic. Kaya imbes na sa number 1 ako magsisimula ay sa number 8. Dahil ung number 1-7 ay makikita nyo sa part one ng article na ito. Sana ay may matutunan tayo dito.
8. بطّانيّة/Blanket: Wrong: Bataniiyah / Correct: Battaaniiyah. Kahit ako mismo nung una hindi ko alam ang tamang pagbanggit ng blanket o kumot sa wikang Arabic. Naririnig ko lang din.. eje...
9. قصص/Stories: Wrong: Qisas / Correct: Qasas. Karaniwan ko itong naririning kapag binabanggit ung "Qasasul Anbiya" or Stories of the Prophets. Imbes na "a" after ng "q" ay "i" ang ipinapalit.
10. خطابة/Declamation: Wrong: Khitaabah / Correct: Khataabah. Isa sa mga Ustadh namin ko nalaman na khataabah talaga ang tamang pagbasa nito. Sa tingin ko ay maraming kokontra dito o di kaya ay magugulat.. eje..
11. طاقيّة/Hood: Wrong: Taqiiyah / Correct: 'Taaqiiyah. Actually, hindi lang sa pagbasa nagkakamali ang iba dito kundi pati sa translation. Ang akala ng iba na ang meaning ng 'taaqiiyah ay "tutob" o yung sinusuot ng mga lalakeng Muslim sa ulo. Huwallahu a'lam.
12. ما اسمك/What is your name?: Wrong: Maa ismuka? / Correct: Masmuka? Karaniwan na rin rin kahit sa mga madrasah. Lalo na ung hindi nila natutunan ang pagkakaiba ng hamzatul wasl at hamzatul qat'.
13. أبو بكر/Abu Bakr: Wrong: Abu Bakar / Correct: Abu Bakr. Ewan ko kung Maranao lang nagkakamali dito pero anu't anu pa man ay mali pa rin kung Abu Bakar ang pagbasa. Dapat talaga ay Abu Bakr. Mahalaga rin ito kahit papaano dahil pangalan ito ng pinakadakilang tao pagkatapos ng mga Propeta.
14. خاتم/Seal: Wrong: Khaatam / Correct: Khaatim. Ang Arabic ng Seal of the Prophets ay "Khaatimun Nabiyyiin" at hindi "Khaatamun Nabiyyiin".
15. فقه/Jurisprudence: Wrong: Fiqhi / Correct: Fiqh. Hindi ko rin maintindihan paano naging fiqhi ang pagbasa dito, pero hindi naman ito ganun kalaking pagkakamali kasi kahit papaano ay hindi napapalitan ung kahulugan. Kahit nung maliit pa ako ay ganito naririnig ko pati sa aking mga Ustadh.
16. مكيف/Aircon: Wrong: Mukayyaf / Correct: Mukayyif.
17. آل عمران/Aali Imraan: Wrong: Al-Imraan / Correct: Aali Imraan. Isa ito sa mga pangalan ng Surah sa Banal na Qur-an. Kung minsan pati mga Hafidh ay nagkakamali sa pagbasa sa pangalan ng surah na ito. At magkaiba pa naman ang kahulugan ng dalawang ito. Ang kahulugan ng Al-Imraan ay "Ang Imran" samantalang ang Aali Imraan ay "Pamilya ni Imran" kung saan ito ang tama.
Kung may comments kayo ay paki-comment na lang po owm. Shukran jazilan.
No comments:
Post a Comment