Toril - lugar kung saan nag-aaral ang mga batang Muslim ng stay-in mismo sa kanilang paaralan. Karaniwang pinag-aaralan dito ay ang Qur-an at ang Islam. May mga limitations like sa paggamit ng cellphone, bawal lumabas maliban lang kung may importanteng dahilan.Ang kulungan naman ay malinaw na sa ating lahat.
Kaya naman nais kong isulat ang topic na ito ay dahil sa narinig kong paghahambing ng isang estudyante na ang toril daw ay kulungan. Hindi naman maikakailang may pagkakahawig subalit hindi rin naman maaaring sabihin na sila ay magkatulad o iisa, bagkus malayo sila sa isa't-isa. Katulad niyan, ang tae ay mabaho at kung minsan ay nagiging mabaho ka rin so hindi ibig-sabihin na ikaw ay tae din, di ba? Sigurado akong hinding-hindi ka papayag na masabihan ka ng ganyan.
Ganun din ang katayuan ko at ng ibang katulad ko sa toril at ng kulungan. Narito ang kanilang mga pagkakaiba, at sana mabasa ito nung nagsabi nun para matigil na siya sa ideya niyang iyon. I really hate his idea of saying that toril is a jail..huh!
1. Una, sa toril ay maagang pinapalabas duon at hindi nakakatapos ng kanilang kontrata ang mga mukhalif or suwail, samantalang sa kulungan ay maagang pinapalabas ung mga nagiging mabait at masunurin.
2. Samakatuwid malinaw na nakasaad sa number one ang sasabihin ko dito sa pangalawa. Na ang napupunta sa toril ay yaong mga mababait at sa kulungan ay yaong mga masasama. Subalit minsan din naman ay may naihahalong hindi mabait sa toril, at ganun din naman minsan ay may naipapasok sa kulungan na hindi masama, o walang kasalanan talaga, napagbintangan lang ika nga.
3. Third, of course ang mga gawain sa loob ng toril ay karaniwang kabutihan lamang, at sa kulungan ay mahirap nang ipaliwanag.
4. Sa toril ay maaari kang lumabas kung may kailangan ka o di kaya'y may bisita ka, at babalik ka rin naman. Sa kulungan ay hindi talaga pupwedeng lumabas.
5. Sa toril ay karaniwan kang kuntento at panatag, gayung sa kulungan ay karaniwan kang nalulungkot at nangangamba.
6. Sabihin mo sa taong nasa toril na "Gustong mong lumabas dito?" ang isasagot niya sa'yo ay "Ayoko, pero pag nakatapos ako, insha Allah.". Samantalang ang taong nasa kulungan naman kapag sabihin mo sa kanya na "Gustong mong lumabas dito?" Sasabihin niya sa'yo na "Ang tagal naman!". Magmamakaawa pa ang nasa toril na gagawin niya ang lahat huwag lang siyang makalabas dun.
7. Pangpito, sa toril ay marami ang nagkakandarapang gustong makapag-aral dito, samantalang sa kulungan eh walang gustong pumasok, baliw lang siguro.. eje..
8. Ang taong nanggaling sa toril ay nais pang bumalik dito. Pero ang taong nanggaling sa kulungan ay ayaw na ayaw ng bumalik sa kulungan.
9. Heaven ika nga ang buhay sa toril, sa kulungan naman ay hell.
10. Pagsisisi ang madarama ng nakalabas ng maaga sa toril at hindi nakatapos ng kontrata, eh sa maaganag nakalabas ng kulungan ay siguradong ang saya-saya niya..yehey!!!
Heto lang ang pumasok sa kukote ko. ALHAMDULILLAH. Kung may idadagdag ka or comment pakisulat lang jan sa baba. Shukran. Nas-alullahat tawfiq.
my toril po bah sa baguio?
ReplyDeleteilang taon po bah matatapus ang kontrata jan?, pag natapus mo na po yan makakalabas kana bah? at para saan naman pag nakapagtapus kana nyan?
ReplyDeleteMeron po b s metro manila? May byad po b? Magkno? Anung tribe po ang namumuno?
ReplyDelete