Mawlidun Nabi - kapanganakan ng Propeta Muhammad S.A.W.
Ngayong araw sa kalendaryo ng Hijrah Calendar ay Rabi'ul Awwal 7 kung saan ilang araw mula ngayon ay ang kapanganakan ng Propeta Muhammad sallallahu alayhi wasallam. Ipananganak siya ng Rabi'ul Awwal 12 at hindi pinapahintulutan ng Islam ang pagdiriwang nito. Ito ay itinuturing na bid'ah, at ang lahat ng bid'ah ay haram. Gayundin ay haram ang pagdiriwang ng Isra' wal Mi'raj at Nisfu Sha'ban.
Kailangan talagang malaman ng isang Muslim na anumang bagay na idinagdag sa Islam ay hindi maaari lalo't ito'y walang batayan mula sa Qur-an at Hadith, at ito nga ay tatawaging bid'ah. Lahat ng bid'ah ay pagkaligaw at lahat ng pagkaligaw ay sa impiyerno. Hindi naman lingid sa atin na ang mga nabanggit na mga pagdiriwang sa itaas na isinasagawa ng ilang Muslim ay kailanma'y hindi isinagawa ng Rasulullah S.A.W. at ng kanyang mga Sahabah radiallahu anhum. Hindi naman natin ikinakaila ang kahalagahan ng mga araw na ito subalit hindi pa rin dapat itong ipagdiwang. Dahil kung ang pagdiriwang nito ay kalulugdan ng Panginoong Allah eh di sana'y nauna na ang Propeta at mga Sahabah nito na nagsagawa nito.
Sino naman tayo para sabihin ito'y maganda? Kung ito'y magandang gawain sana'y giawa na ng Propeta at ng kanyang mga Sahabah. Mayron bang kautusan na hindi nasabi ng Propeta Muhammad s.a.w.? At pagkatapos ay bago pa lamang matutuklasan? Ito ay imposible. Bago pa man pumanaw ang Propeta Muhammad s.a.w. ay natapos na ang kanyang misyon at nakumpleto na ang relihiyong Islam. Ang Dakilang Allah ay nagsabi sa Banal na Qur-an:

الْيَوْمَ أَكْمَلْتُ لَكُمْ دِينَكُمْ وَأَتْمَمْتُ عَلَيْكُمْ نِعْمَتِي وَرَضِيتُ لَكُمُ الْإِسْلَامَ دِينًا
(Surah Al-Maidah:3)
"Sa araw na ito'y kinumpleto ko para sa inyo ang inyong relihiyon, at ginanap ko ang aking mga pagpapala, at aking pinili at kinalugdan ang Islam bilang inyong relihiyon."

Ang bersong ito'y ibinaba sa panahon na malapit ng pumanaw ang Propeta Muhammad s.a.w. at ito'y agpapatunay na ganap na ang relihiyon ng Allah at hindi na maaaring dagdagan. Sinuman ang gumawa ng bid'ah ay sadyang sumusuway sa ipinahayag na ito ng Dakilang Allah. Nawa'y bigyang liwanag ng Panginoong Allah ang ating mga puso tungo sa tamang landas. Amin.
No comments:
Post a Comment